DAGUPAN CITY–Napatay ang isang 25 anyos na lalaki na tubong Cuyapo, Nueva Ecija matapos umanong mangholdap sa isang gasolinahan sa bayan ng Rosales.

Naaktuhan ng mga nag iikot na pulis ang nasabing insidente kaya sila rumisponde.

Armado ng kalibre 45 na baril ang suspek pero naagaw ito ng mga pulis.

--Ads--

Sa halip na sumuko ay naglabas pa umano ng isang baril ang suspek kaya’t inunahan na siya ng mga pulis.

Tinamaan sa kaliwang balikat ang suspek na tinangka pang tumakas gamit ang motorsiklo pero bumangga siya sa puno.

Nadala pa ito sa ospital pero binawian din ng buhay.