Dagupan City – Mga kabombo! Ano ang gagawin mo kung mag mula pagka-bata ay lumaki ka sa hirap ngunit isang araw ay malalaman mo na galing ka pala sa isang mayaman na pamilya?
Ganito ang naging mala teleseryeng buhay ng isang lalaki sa Tsina na naka sama muli ang kanyang mga biological na magulang matapos siyang nakawin ng doktor pagka panganak sa ospital higit sa 30 taon na ang nakalipas. Noong 1991, ipinahayag ng doktor sa mag asawang Li na namatay ang kanilang anak at ibinigay ito sa ibang pamilya.
Lumaki si Zhang Huaiyuan sa hirap sa Anhui at napilitan pang tumigil sa pag aaral upang suportahan ang kanyang mga naging magulang.
Matapos mamatay ang kanyang “ama,” ibinulgar ng kanyang “ina” ang katotohanan. Isang DNA test ang nagpatunay ng kanyang pagkatao, na nagdala sa isang emosyonal na reunion at isang bank card na may 1.2 milyong yuan o humigit-kumulang P9.67 milyon.
Ipinahayag ng mag-asawang Li ang panghihinayang sa mga nawalang taon at bumisita sa tahanan ni Zhang kung saan nakilala nila ang kanyang asawa at anak.