Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad na nangyaring insidente ng pananaksak sa lungsod ng Urdaneta partikular na sa may harapan ng isang Videoke bar partikular sa Brgy. Nancayasan.

Kinilala ang biktima na si Aurelio Cabida, 41 anyos na residente mula sa bayan ng Binalonan habang ang suspek ay hindi pa natutukoy ng mga otoridad.

Base sa inisyal na imbestigasyon , nakatayo ang biktima sa harap ng isang videoke bar nang bigla na lamang binunot ng suspek ang isang patalim at dito na sinaksak ang biktima na natamaan sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

--Ads--

Agad itong naitakbo sa pagamutan habang agad ding tumakas ang suspek dala ang armas na kanyang ginamit.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo at kung sino ang nasa likod ng insidente.