Posibleng nangunguha lamang ng talaba, bago matagpuan ang labi ng isang lalaki na palutang-lutang sa isang ilog sa Brgy. Tocok, sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Ayon kay PMaj. Ramil Mendioro, COP ng San Fabian PNP, kinilala ang biktima na si Rodolfo Macapagal, nasa hustong gulang at residente ng brgy. Poblacion, San Fabian.

Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, isang Alexander Serrana, 53 anyos na residente ng Brgy Tocok, ang nakakita sa labi ng biktima na agad nitong inireport sa kanilang Punong barangay na agad ding nakipagugnayan sa kinauukulan upang maiahon ang katawan ng biktima.

--Ads--

Ayon sa pulisiya, ang pangunguha ng talaba ang kaniyang pinagkakakitaan na maaari umanong dahilan kung bakit ito nalunod.

Sa ngayon, inaalam pa kung ito ba ay nasa impluwensiya ng alak bago mangyari ang insednete.

PMaj. Ramil Mendioro, COP San Fabian PNP

Ani Mendioro, naniniwala ang kaniyang asawa na natural na pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay nito dahil wala naman aniyang natagpuang ibang injury sa kaniyang katawan kaya hindi na umano nito hiniling na isailalim pa ito sa autopsy.