BOMBO DAGUPAN – Naaresto ng mga otoridad ang Top 1 Most Wanted Person in municipal level sa bayan ng Santa Barbara, Pangasinan.

Ang naaresto na 40 anyos ay may kasong of Statutory Rape kung saan ang kanyang biktima ay isang 13-anyos na batang babae.

Ayon kay PLt.Col. Michael Datuin, chief of police ng Sta. Barbara PNP, base sa kanilang follow up investigation, di umanoy ang suspek at biktima ay nagkakilala sa social media.

--Ads--

Noong kasagsagan umano ng pag cha chat nila sa facebook ay nagpadala ng kanyang hubad na larawan ang biktima.

Inimbita umano ng suspek ang biktima na sumama sa kanya at sinamantala nito ang pagkakataon para maisagawa ang kahalayan.

Napilitan umano na sumama ang biktima dahil tinatakot siya na ikakalat ang kanyang hubad na larawan.

Sa tulong ng mabilis na aksyon ng kapulisan ay naaresto ang suspek.

Panawagan naman ni Datuin samga magulang bantayan ang mga anak na babaeng menor de edad at huwag hahayaan na sumama sa kung kani kanino at iwasan na pagalagala lalo na sa gabi.