Dagupan City – Sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng may-ari ng isang tindahang nilooban nito habang isinasagawa ang pagnanakaw sa Barangay Sto. Niño sa bayan ng Binalonan, pasado alas-singko ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Pulisya, nakita ng may-ari ang suspek sa loob ng kanyang tindahan na tangkang tumakas matapos makuha ang pera sa kaha.

Dahil dito, gumamit ang may-ari ng isang air gun at binaril ang suspek sa binti.

--Ads--

Agad na naaresto ang suspek sa lugar ng pinangyarihan at nabawi ang tinatayang P5,000 na cash.

Dinala naman ang suspek sa Binalonan Community Hospital para lapatan ng lunas ang tinamong sugat.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Binalonan PNP ang suspek at nahaharap sa kasong pagnanakaw.