Arestado ang isang 48 anyos na lalaking may kapansanan matapos gahasain ang magkapatid na menor de edad na may kapansanan din sa paningin sa barangay Bonuan Gueset dito sa lungsod ng Dagupan.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, matalik na kaibigan ng ama ng mga biktima ang suspek at kanya itong pinagkaktiwalaan kaya hindi lubos akalain na magagawa ito sa kanyang mga anak.
Sa salaysay ng 11 anyos na biktima, nagsimula ang panghahasa sa kanila ng kanyang 15 anyos na kapatid noong buwan ng Setyembre.
--Ads--
Pero dahil sa takot ay hindi magawang makapagsumbong ang biktima sa kanilang mga magulang na parehong may kapansan sa mata.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa insidente.




