DAGUPAN CITY–Nakatakdang kasuhan ang isang lalaking residente ng barangay Obong Basista Pangasinan dahil sa paglabag nito sa total lockdown na ipinatupad sa kanilang barangay.

Matatandaang isang Senior Citizen ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa naturang lugar.

Batay sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay P/Capt. Arturo Melchor Jr., hepe ng Basista Police Station, na nasita ang lalaki makaraan itong dumaan pa sa bukid para lamang magpunta sa Poblacion Area at bibili lang sana ng pagkain ng kanyang alagang manok.

--Ads--

Kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal code of the Philippines o Disobedience to a Person in Authority ang nakatakdang isampa rito ngayong araw.