BOMBO DAGUPAN – Naaresto ang isang lalaking humalay ng isang menor de edad na batang babae sa bayan ng Calasiao sa tulong ng pagsasanib pwersa ng mga tauhan ng Calasiao MPS at CIDG Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Lieutenant Julfre Ayson, Investigator & Intel Officer ng Calasiao PNP, isinagawa ng suspek ang panghihipo sa mga maseselang bahagi ng katawan ng biktima sa isang swimming pool, sa loob mismo ng bahay ng suspek.

Kung saan kasama ng biktima ang kanyang pinsan na babae na siyang nagsilbing witness sa nasabing insidente.

--Ads--

Nagsumbong naman ang biktima sa kanyang tiyahin matapos ang pangyayari na naging dahilan kung bakit nagtamo ng trauma ang biktima matapos ito.

Sa kasalukuyan ay humaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na nagkakahalagang P108, 000.

Samantala, paalala naman ni Ayson sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at maging mapagmasid sa kapaligiran upang maiwasan ang ganitong klase insidente.