Natagpuang nakabitin sa loob ng cr sa loob ng selda ang suspek sa panggagahasa at panggigilit sa leeg ng apat na taong gulang na bata na anak mismo ng kaniyang kumpare sa bayan ng Bayambang.


Ayon kay PMAJ. Ria Tacderan, nagawa ng 48 anyos na suspek na kitilin ang kaniyang sariling buhay dahil hindi umano nito kinaya ang kaniyang konsensya.


Saad ni Tacderan na ayon sa obserbasyon ng mga awtoridad sa lalaki noong mga nakaraang araw, balisa umano ito at bakas sa kaniyang mukha ang labis na pagsisisi.

--Ads--


Hindi rin umano ito masyadong nakikisalo sa mga kasamahan sa selda at madalas na nasa loob lamang.
Dagdag ng naturang opisyal na base sa kwento ng mga kasamahan ng lalaki, inakala lamang nila na nasa loob lamang ito ng palikuran ngunit nang kanila itong abutan, nakabitin na ito.

TINIG NI PMAJ. RIA TACDERAN

Kapansin-pansin na rin naman aniya ang pagiging balisa nito noong mga nakaraang araw.


Wala naman aniyang pwedeng maging dahilan ng pagkitil nito sa sarili niyang buhay kundi tanging ang karumal-dumal na krimen lamang na kaniyang nagawa.