DAGUPAN CITY–Hindi na nakauwi pa ng buhay ang isang lalaking naki-birthday matapos na mamatay dahil sa aksidente sa bayan ng San Fabian.

Kinilala ang biktima na si Bryan Marcial, 25 anyos, poultry worker, na residente sa nasabing bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, matapos nitong magtrabaho ay nagtungo muna ito sa gym bago dumalo sa isang birthday party.

--Ads--

Subalit nang pauwi na ito ay nawalan ito ng kontrol sa minamanehong motoriklo dahilan upang mahulog pa ito sa isang bukid sa bahagi ng Brgy. Tococ at nadaganan pa ng kaniyang motorsiklo.

Walang nakikitang foul play ang pulisya sa insidente dahil maituturing na self-accident ang nangyari sa biktima na napag-alamang nasa impluwensiya din ng alak bukod pa pagiging accident prone area din ng lugar na pinangyarihan ng aksidente.