Mga kabombo! Kung ikaw ay tinaguriang good samaritan, kaya mo bang tuluyang ibigay ay isang bagay na aksidente mo lang nahulog sa isang donation box?
Ito lang naman kasi ang nangyari sa isang Indian guy na nakilala lang sa pangalang Dinesh sa Arulmigu Kandaswamy Temple.
Kung saan, habang nasa loob umano ito ng temple at nag-aalay ng panalangin, nagkaloob din siya ng donasyon sa patron. Hanggang sa naramdaman umano ni Dinesh na dumulas mula sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone.
Dito na umano tuluyang nahulog sa isang donation box ang cellphone na yari sa metal.
Ayon sa ulat, lumapit umano si Dinesh sa mga opisyal ng temple at ipinaliwanag sa mga ito ang nangyari. Hiniling din niya na makuha mula sa metal donation box ang kanyang phone.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, tinanggihan ng mga ito ang gusto niyang mangyari. Ayon sa mga opsiyal, ito’y nakabatay kasi sa mga ipinatutupad na rules, kung saan ang anumang bagay na nailagay na sa hundial ay itinuturing nang donasyon at hindi na maaari pang bawiin—kusang loob man o aksidenteng naisilid doon—dahil naging pag-aari na iyon ng patron ng temple.
Sinabi rin ng mga ito sa kanya na ang hundial ay binubuksan lang nang isang beses sa loob ng dalawang buwan.
Sa kabila nito, hindi naman nawalan ng pag-asa si Dinesh na mababawi pa niya ang kanyang Phone, at pormal siyang naghain ng reklamo sa mga opisyal ng Hindu Religious and Charitable Endowments.
Noon lamang disyembre, nang buksan na ang metal box, present siya para kunin ang kanyang Phone. Ngunit nabigo si Dinesh na mabawi iyon dahil pinanindigan ng mga opisyal ng temple ang kanilang desisyon at ang patakarang pinaiiral na kapag nailagay na sa hundai ang isang bagay ay hindi na maaaring bawiin ng may-ari.
Samantala, may mga pagkakataon na binabayaran ng temple ang anumang bagay na aksidenteng naihulog ng isang devotee—pero sumasailalim iyon sa matagal at masusing imbestigasyon.
Sa kaso ni Dinesh, kailangan niyang maghintay sa magiging desisyon ng pamunuan ng temple.