Mga Ka-Bombo, hanggang saan aabot ang curiosity mo? Kaya mo bang tumanggap ng compensation dahil dito?

Iyan kasi ang nangyari sa isang lalaki mula sa United Kingdom kung saan nakatanggap siya ng 2 punds o halos P1,489 na kompensasyon at isang paghingi ng paumanhin mula sa isang kompanya ng tsokolate, matapos madiskubre ang isang biniling chocolate bar na walang wrinkles.

Si Harry Seager, 34 na taon, ay nagpost ng larawan ng kakaibang tsokolate sa Facebook page ng Dull Men’s Club, na agad kumalat at naging viral, at umani ng libu-libong reaksyon mula sa mga miyembro.

--Ads--


Papunta si Harry sa isang classic car show sa Birmingham sa England nang huminto siya sa isang service station sa Oxfordshire at bumili ng chocolate bar.

Nang buksan niya ito, natuklasan niyang ang tsokolate ay makinis at walang mga ripples—isang kakaibang pangyayari para sa isang produkto na kilala sa kanyang natatanging itsura.

Agad niyang kontakin ang kumpanya upang magtanong kung ito na ba ang bagong anyo ng kanilang kilalang produkto na gawa sa Slough simula pa noong 1932.

Bilang tugon, nagpadala ng isang pahayag ang kumpanya at nag-alok ng 2 pound voucher bilang kompensasyon.

Ngunit para kay Seager, hindi ang kompensasyon ang kanyang pangunahing layunin, kundi makita lamang ang sanhi ng pagiging smooth ng texture ng nasabing produkto.

Bagamat nasiyahan sa voucher, sinabi ni Seager na sana ay mas dinamihan pa ang kompensasyon, ngunit hindi na siya magrereklamo.