DAGUPAN CITY- Isang lalaki na nagmamay-ari ng isang maliit na kanteen sa Barangay Lobong, San Jacinto, Pangasinan ang naaresto sa isang entrapment operation matapos ireklamo sa mga awtoridad ang umano’y pagbebenta nito ng karne ng aso.
Ayon sa imbestigasyon, isang buhay na aso ang nasagip mula sa bentahan ng suspek.
Natagpuan ng mga pulis ang aso naka sako, nakagapos sa alambre, at nanginginig. Agad itong isinugod sa veterinary clinic upang mabigyan ng kaukulang lunas.
Batay sa resulta ng imbestigasyon, bagama’t hindi umano niluluto ang karne ng aso sa mismong kanteen, hinihinalang kinakatay ito at palihim na ibinebenta sa mga kustomer na interesado.
Ang nasabing operasyon ay naisakatuparan sa tulong mg regional director ng UK based of animal welfare investigation project na nagsusulong ng karapatang pang-hayop.
Ayon kay Pmaj Napoleon Velasco, ito ang kauna-unahang kaso na pagmamalupit ng mga alagang hayop sa bayan.
Pinagmulta ang suspek at nangakong hindi na uulitin ang pangyayari.
Patuloy namang nagmamanman ang mga awtoridad sa iba pang lugar upang matiyak na mapipigilan ang karahasan laban sa mga hayop sa bayan.