Mga kabombo! May mga kakilala ka bang binabansagang ‘swimmerist’?
Aba! Kakaibang style kasi ang ipinakita ng isang ‘swimmerist’ na to sa North Korea!
Paano ba naman kasi, matagumpay na nakatakas patungong South Korea ang hindi na pinangalanang lalaki matapos siyang lumangoy sa dagat gamit lamang ang mga plastic foam na itinali sa kanyang katawan.
Ang kanyang ipinakita ay isang patunay sa desperasyon ng ilan na makalaya sa rehimeng Kim Jong-Un.
Ayon sa ulat, lumangoy ang lalaki ng halos 10-oras sa kanlurang baybayin ng Korean Peninsula.
Ayon sa mga opisyal ng South Korea, kumaway ang lalaki at sumigaw ng kanyang intensiyon na sumuko bago siya sagipin ng militar ng South Korea.
Ang mga pagtakas mula sa North Korea patungong South ay naging bihira na sa mga nakalipas na taon.
Ito ay dahil sa mas mahigpit na seguridad at mga karagdagang kuta na ipinagawa ni Kim Jong-Un sa kahabaan ng border, kung saan may utos na barilin ang sinumang susubok tumakas.
Noong nakaraang taon, 236 na North Korean lamang ang nakarating sa South Korea, isang malaking pagbaba mula sa dating mahigit 1,000 kada taon.
Lumalabas din sa datos ng United Nations, laganap ang paglabag sa karapatang pantao sa North Korea, kabilang ang public execution, torture, at forced labor.
Sa katunayan, halos kalahati rin ng populasyon nito ang malnourished.