DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo? Naniniwala ka ba sa swerte? O hindi kaya naman ay destiny? Paano kung naulan ang insidenteng maaring mapabago sa buhay mo?

Isang kamangha-manghang pangyayari kasi ang nangyari sa isang lalaki mula sa New Zealand ang nagwagi sa isang Spanish-Language Scrabble World Championship kahit hindi ito marunong sa nasabing lenggwahe.

Aba, kakaiba ito mga Ka-Bombo!

--Ads--

Isang pambihirang tagumpay ang ipinamalas ni Nigel Richards, isang 57-taong gulang na Scrabble genius mula sa New Zealand, nang manalo siya sa 2024 Spanish-Language Scrabble World Championship sa Granada, Spain, isang kamangha-manghang tagumpay ito, lalo na’t hindi marunong magsalita ng Spanish si Richards.

Halos isang dekada na mula nang unang magsimulang makwento ang mundo tungkol kay Nigel Richards.

Noong 2015, nagwagi rin siya sa French-Language Scrabble World Championship kahit hindi niya kayang makipag-usap sa French.

Naging viral ito at nakakuha siya ng mga palayaw tulad ng “Tiger Woods ng Scrabble.”

Marami ang hindi makapaniwala at inisip na isang insidente lamang ito.

Ngunit hindi naglaon, napatunayan ni Nigel na kaya niyang ulitin ang tagumpay na iyon.

Noong nakaraang buwan, sa Granada, Spain, muli niyang pinatunayan ang kanyang hindi matitinag na galing.

Nanalo siya sa Spanish-Language Scrabble World Championship, kahit hindi niya alam ang wika.

Paano niya ito nagawa?

Katulad ng kanyang ginawa noong nanalo siya sa French-language competition — sa pamamagitan ng pagmememorize ng libu-libong salitang Spanish, nang hindi alintana ang mga kahulugan ng mga ito.

Talaga namang maraming namangha sa pangyayari ito, may mga haka-haka rin ang lumalabas na baka sumali ulit si Nigel gamit ang ibang salita.