BOMBO DAGUPAN- Mga Ka-Bombo! Gaano ba katalas ang iyong pakiramdam? Kaya mo bang maglaro ng sports kahit naka-blindfold?
Ito kasi ang pinatunayang hindi imposible ni David “Record Breaker” Rush, isang lalaki mula sa Idaho ang muling nagtakda ng bagong Guinness World Record, matapos mag-execute ng 41 na blindfolded pickleball serves sa loob ng isang minuto.
Ayon kay Rush, nagsimula ang kanyang paglalakbay patungo sa record nang makita niya ang isang video ng naunang may hawak ng record na 23 serves.
Sa kanyang pagtatangka, nakapag-hit siya ng 43 na bola sa service square, ngunit dalawang shots ang hindi pumasok—ang isa ay lumagpas sa 60 segundo at ang isa ay na-disqualify ng Guinness para sa hindi malamang dahilan.
Sa kabila nito, nanalo siya ng opisyal na rekord na may 41 na blindfolded serves.
Bagamat matagumpay, sinabi ni Rush na plano niyang muling subukan ang record sa hinaharap, kasunod ng pagpapabuti pa ng kanyang mga kakayahan sa laro ng pickleball.