Patay ang 40-anyos na lalaki matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at sumalpok sa poste sabay nang pagkahulog nito sa creek habang binabaybay ang Pangasinan-Tarlac Highway sa brgy. Bocacliw, sa bayan ng Aguilar, Pangasinan.

Ayon sa impormasyon mula sa Aguilar PNP, nasa impluwensiya ng alak si Agusto Bajo Jr., residente ng Brgy. Pogonlomboy, Mangatarem nang mangyari ang insidente dahilan ng pagtamo nito ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Dinala pa ito sa MBP Blessed Trinity Hospital sa bayan ng Mangatarem ngunit idineklarang dead on arrival.

--Ads--