DAGUPAN CITY– Alitan sa sugal ang isa sa nakikitang motibo sa pamamaril ng isang grupo na ikinasawi ng 31 anyos na lalaki sa bayan ng Villasis.

Kinilala ang biktima na si Mark Gilbert Arid, 31 anyos na residente ng Zone 3 ng Brgy Amamperez, Villasis habang natukoy naman ang isa sa sinasabing gunman na si Roberto Olinares, 26 anyos na residente ng Brgy. Carusocan Sur, Asingan.

Ayon kay PSSg Nestor Raposas, investigator on case ng Villasis PS, galing ang suspek at biktimasa isang lamay sa sitio bangcag sa bayan ng Alcala kung saan nag-kaalitan ang dalawa dahil sa isang sugal na lucky nine.

--Ads--

Pauwi na noon ng kanilang bahay ang biktima angkas ng motorsiklong minamaneho ni Lester Novencido nang sundan sila ng mga suspek at pinaulanan ng bala at pinunteryang pagbabarilin ang biktima habang binabagtas ang dike ng barangay amamperez.

PSSg Nestor Raposas, investigator on case ng Villasis PNP

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa tagiliran ang biktima na isinugod pa sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

Maswerte namang nakaligtas at hindi tinamaan ng bala ang driver na kasama ng biktima.

Namukhaan ng driver na kasama ng biktima at iba pang witness ang isang grupo. Tinatayang nasa apat ang mga suspek na nasa likod ng pamamaril sa naturang biktima.

Agad na nagsagawa ng follow up hot pursuit operation ang kapulisan ng Villasis na
na nagresulta sa pagkakadakip sa isa sa mga suspek sa Brgy. Carusocan Sur, Asingan kung saan narekober ang isang caliber .45 pistol at isang motorsiklo na hinihinalang ginamit na getaway vehicle ng suspek.

Inamin ng nadakip na suspek na sila ang nakaaway na grupo ng biktima sa lamayan.

PSSg Nestor Raposas, investigator on case ng Villasis PNP

Sa ngayon, isinumite na sa crime laboratory ang narekober na baril mula sa suspek para sa ballistic examination.

Sinampahan ng kasong Murder ngayong araw ang naarestong suspek.