Patay ang isang 62 anyos na lalaki matapos malunod sa Agno River, Brgy. Cabayaoasan sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Julian Cordova, na residente mula sa siyudad ng Pasig.

Sa imbistigasyon ay lumalabas na matapos mag-inuman ang biktima sa bahay ng kanyang biyenan ay nagkayayaan ito kasama ng kanyang mga kaibigan at bayaw na magpunta sa Agno River.

--Ads--

Hindi umano napansin ni Cordova na napunta na ito sa malalim na parte ng ilog na naging dahilan ng kanyang pagkalunod.

Sinubukan pa itong maisalba ng kanyang mga kasamahan hanggang sa ito ay madala sa Mangatarem District Hospital subalit hindi na ito umabot pa ng buhay at ideneklarang DOA ng doktor na tumingin rito.