DAGUPAN CITY–Patay ang isang lalaki matapos makuryente sa lungsod ng Alaminos Pangasinan.

Ayon kay Police Lt. Col. Gary Pascua Chief of Police ng Alaminos PNP sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kinilala ang biktima na si Leonard Kadlaon, tricycle driver at residente ng Poblacion, Alaminos City.

Ayon lay Pascua, aksidenteng nahawakan ng biktima ang nabalatan na kable ng electric fan.

Nadala pa ito sa ospital pero ideneklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.

--Ads--

Sinabi ni Alamay na bagamat walang nakitang foul play sa insidente ay isinailalim pa rin sa autopsy ang bangkay ng biktima.

Police Lt. Col. Gary Pascua Chief of Police Alaminos City PNP

Kaugnay nito ay muling nagpapaalala ang otoridad na tignan ang mga depektibong linya ng kuryente para makaiwas sa anumang aksidente.