DAGUPAN CITY–Patay ang isang lalaki matapos barilin sa ulo ng kanyang kainuman sa Barangay Leet, sa bayan ng Santa Barbara Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Jazon Corpuz, 37 anyos at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa salaysay ng kinakasama niyang si Pauleen Chavez, nag-usap pa raw ang biktima at suspek na si Rolando Permison sa harap ng kanilang bahay.

--Ads--

Nagtataka ang pamilya ng biktima dahil wala silang alam na hidwaan ng dalawa.

Parehas umano silang lasing nang mangyari ang pamamaril.

Nakita pa raw ng kanyang mga anak ang pagbulagta ng kanilang ama.

Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril dala ang ginamit na sumpak.

Pero kalaunan ay naaresto rin ang suspek pero itinanggi na siya ang bumaril sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang tunay na motibo sa krimen.