Dagupan City – Mga kabombo! Ngayong panahon ng pinya marami na naman ang nagsisilabasan na mga langaw.

Kayo ba mga kabombo! Ano ang gagawin niyo kung dapuan kayo ng langaw sa mukha?

Kalunos-lunos kasi ang sinapit ng isang lalaking kinilalang si Wu mula sa Shenzhen, Guangdong, China.

--Ads--

Ayon sa ulat, kinailangan pang kasing sumailalim sa operasyon ng lalaki upang tanggalin ang kanyang kaliwang mata.

Ang rason nito kung bakit kinailangan ng operasyon, papatayin nito ang langaw na dumapo sa kanyang mukha.

Ngunit isang oras lamang matapos hampasin ang langaw, nagsimulang mamaga at mamula ang kaliwang mata ni Wu.

Napag-alaman naman na matapos magtungo sa ospital, kung saan siya na-diagnose na may seasonal conjunctivitis o seasonal allergy.

Ngunit sa kabila ng pag-inom ng gamot, mabilis na lumala ang kondisyon ni Wu at makalipas ang ilang araw, halos mawalan na ng paningin ang kanyang kaliwang mata.

Lumabas sa karagdagang pagsusuri na ang allergy niya ay talagang bacterial infection mula sa dumapo sa kanyang drain fly.

Sa kasamaang palad, hindi na mapigilan ng gamot ang pagkalat ng impeksyon. At dahil nanganganib nitong maapektuhan ang kanyang utak, tinanggal na lamang ng mga doktor ang kanyang kaliwang eyeball.