Patay ang isang lalaki matapos magpakamatay sa barangay Pugaro sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.
Ayon kay police major Reinweck Alamay, Chief of Police sa nasabing bayan Manaoag PNP, base sa salaysay ng kanyang pamilya, noong August 18 ay umalis umano ang biktima na si Marcelino Gomez, 49 anyos, may asawa at residente sa nabanggit na lugar.
Iniwan umano nito ang kanyang tricycle sa evacuation center at mula noon ay hindi na nakauwi at nakita na lamang ang katawan nito na nakabigti sa isang punong kahoy.
--Ads--
Bago ang inidente ay napansin na daw itong bailisa at hindi mapakali.
Itinuturing naman ng kapulisan ang insidente na isang isolated case lamang.




