DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Minsan mo na rin bang tumira sa isang palasyo?

Alam mo rin ba ang mga panuntunan upang makatira ng payapa sa isang mala magical na bahay?

Inaresto kasi ng mga pulis sa Italy ang isang 58-anyos na lalaki dahil sa ilegal na pag-syphon ng tubig mula sa aqueduct na nagsisilbing pinagkukunan ng tubig ng Royal Palace of Caserta, isang UNESCO heritage site malapit sa Naples.

--Ads--

Ayon sa mga carabinieri, ginamit ng suspek ang isang ilegal na tubo na nagdadala ng tubig mula sa Caroline Aqueduct patungo sa kanyang lupang sakahan, mga 145 metro ang haba, para sa irigasyon at isang 1,000-litro na cistern.

Nag-ugat ang imbestigasyon nang magreklamo ang palasyo tungkol sa kakulangan ng tubig sa kanilang mga fountain at hardin.

Dahil dito, napilitan silang itigil ang pagdidilig sa damuhan, na naging sanhi ng pagdilaw nito.

Ang suspek, na concessionaire ng lupa na pag-aari ng isang religious organization, ay isinailalim sa house arrest.