DAGUPAN CITY– Arestado ang isang 23 anyos na lalaki matapos matuklasang ilang kahon ng alak ang laman ng minamaneho nitong karo ng patay sa isinagawang checkpoint sa bayan ng Binmaley kasabay ng umiiral na enhanced community quarantine sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa pinagsanib na pwersa ng PNP Binmaley at NBI Dagupan ay naaresto ang suspek na si Jeffrey Velasco na residente ng Brgy Talibaew sa bayan ng Calasiao.

Ayon sa impormasyon iniwasan umano ng suspek ang checkpoint habang minamaneho nito ang karo ng patay na pagmamay-ari ng Abalos Funeral sa bahagi ng Brgy. Gayaman Binmaley kung saan nang kanila itong mahuli ay natuklasan na ilang kahon ng alak ang laman ng sasakyan.

--Ads--

Ang suspek ay nahaharap sa patong patong na kaso at nananatili ngayon sa kustudiya ng kapulisan .