DAGUPAN, CITY— Sinaksak ng isang lalaki ang kaniyang 23 anyos na sariling anak sa Brgy Cobol, sa lungsod ng San Carlos.
Ayon sa San Carlos PNP, ang biktima ay kinilala bilang si Lawrence Sodsod na isang construction worker habang ang suspek naman na ama ng biktima ay si Kim Sodsod na parehong residente ng naturang lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, ang biktima at suspek ay nagkaroon ng malaking away dahil sa madalas na paginom ng suspek.
Sa pagpasok naman ng biktima sa kanilang bahay, ang suspek na may dalang icepick ay bigla itong sinaksak ngunit naharangan niya ito kayat bahagyang tinamaan lamang ito sa kaniyang dibdib.
Dahil sa tinamong sugat ng biktima ay dinala ito sa Pangasinan Provincial Hospital para sa medikal na atensyon habang patuloy ang manhunt operation ng mga kapulisan laban sa suspek na tumakas matapos ng insidente. (with reports from: Bombo Adrianne Suarez)