Dagupan City – Upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at bisita na nagtutungo sa mga pook pasyalan at maging sa Christmas village ay tiniyak ng mga kapulisan sa bayan ng Labrador ang tuloy tuloy na pagpapaigting ng kanilang seguridad at mga alituntunin.

Ayon kay PSSg Jomar Fabiaña ang siyang Investigator/PNCO, Labrador MPS na continuous ang kanilang isinagawang pagpapatrolya at pag-iikot sa kanilang bayan, pagsasagawa ng checkpoint at ang pagtutungo sa bawat barangay upang mapaalalahaan ang mga ito upang makaiwas sa anumang uri ng insidente at mga iligal Gawain.

Dagdag pa nito na manageable naman ang mga taong nagtutungo sa kanilang Christmas village at 24/7 naman ang kanilang pagbabantay sa lugar.

--Ads--

Samantala, nagpaalala naman ang pulisya sa ngayong nalalapit na ang holiday season sa mga alais ng kanilang kabahayan na huwag magpopost sa social media lalo na at marami ang mga namamantala at tiyakin ang dobleng pag-iingat kung saan magpunta.