Niyanig kagabi ng mahinang lindol ang ilang lugar sa Pangasinan kasama ang lungsod ng Dagupan.
Ayon sa tala ng PHIVOLCS, bandang alas-9:20 ng gabi naramdaman ang magnitude 3.9 na lindol sa bayan ng Labrador.
Intensity II naman ang naramdaman sa lungsod ng Alaminos at lungsod ng Dagupan.
--Ads--
Wala namang napaulat na nasaktan o nasugatan sa nasabing lindol.