Dagupan City – Muling binuksan sa publiko ang Labrador Municipal Hospital.
Ito ay naisakatuparan ng bagong administrasyon sa pamumuno ni Labrador Mayor Noel Uson, katuwang ang kaniyang bise alkalde at mga konsehal.
Sa naging mensahe ng alkalde, sinabi nito na layunin ng muling pagbubukas na matulungan ang mga residente sa bayan para sa suportang serbisyong medikal.
Matatandaan kasi na pinangunahan ang nasabing proyekto ng dating alkalde na si Dominador Arenas Labrador ngunit kalauna’y isinara rin ito ng pumalit na alkalde dahil sa pagkalugi.
Dahil dito, tiniyak ni Uson ang pagbibigay ng tulong pangkalusugan sa mga mamamayan at gagawin nila ang makakakaya para mabuksan ang ospital.
Sa katunayan aniya, nakatakda nang kausapin ang budget officer kung ilan pa ang kinakailangang pondo para rito.