Isinasagawa ngayon ang ika-113th International Labor Conference sa Geneval, Switzerland kung saan may tatlong working committee at lahat ay may representante sa kilusang paggawa.
Ayon kay Atty Sony Matula President, Federation of Free Workers /Defender ng Manggagawa ang tatlong committee ay may kani-kanilang pokus kung saan ang biohazard ay tungkol sa occupational safety and health ng mga manggagawa.
Kung paano mareregenerate ang disgrasya, impeksiyon at sakit na dulot ng biohazard.
Habang ang formal ecomony naman ay upang maprotektahan ang karapatan ng mga manggagawa ganundin sa informal economy ang maprotektahan at maenhance ang benepisyo.
Aniya sa ganitong kumperensiya ay tinitingnan nila kung nagcocomply ang mga bansa sa labor standards at kung may mga violations ba o paglabag sa karapatan ng mga manggagawa.
Bagama’t hindi natatanggal ang Pilipinas sa listahan ito ay bunga ng maraming pagkakasawi ng mga trade union at organizers lalo na noong nagdaang administrasyon.
Umaasa naman siya na muling mabuksan ang mga kaso, ito ay maimbestigahan at mabigyan sila ng katarungan.