Dagupan City – Pinalakas ang kaalaman ukol sa karapatan at proteksyon ng mga manggagawa sa isinagawang orientation program kamakailan sa bayan ng Bayamabang.
Layunin ng programa na itaas ang kamalayan hinggil sa mga batas sa paggawa at mga proteksyon laban sa mapanlinlang na recruitment practices.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa barangay kabilang ang mga Punong Barangay, mga Kalihim, at mga lider ng samahan ng Overseas Filipino Worker (OFW).
Pinangunahan din ito ng Komite sa Paggawa, Hanapbuhay, at OFW Concerns.
Tinalakay sa programa ang ilang mahahalagang paksa tulad ng Batas Kasambahay, mga hakbang laban sa child labor, at ang Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons (AIRTIP).
Ipinaliwanag din ang tungkulin ng Barangay Employment Service Offices (BESOs) sa pagtulong sa mga manggagawa.
Nagbigay ang programa ng malinaw na impormasyon at praktikal na gabay para sa mas ligtas, makatarungan, at makataong kondisyon sa paggawa sa komunidad.