Pinabulaanan ni labor attache sa Oman na si Atty.Gregorio T. Abalos Jr. ang napaulat na walang natatanggap na tulong ang mga distressed pinoy workers sa Oman.
Sa pakikipagpanayam ni Bombo International correspondent Lawrence Valmonte mula sa Riyadh, Saudi Arabia kay Abalos, sinabi nitong katatapos ang payout o pagkakaloob ng $200 na tulong sa mga Pinoy OFWs.
Bibigyan muli sila ng panibagong alokasyon ng pondo at sa pagkakataong ito ay muli silang mag-eevaluate ng mga bagong aplikasyon.
samantala, nagsimula na ang proseso ng reopatriation ng mga OFW.
Gumawa sila ng repatriation survey para malaman kung sino ang mga may intensyong umuwi sa Pilipinas para matukoy kung sino ang mga bibigyan ng ticket.
Ang ilan sa mga ito ay tinakbuhan o iniwan ng kanilang sponsor at walang kakayahang magbayad ng pamasahe. may iba naman ang nagdadalawang isip na umuwi sa bansa dahil sa kasalukuyang situwasyon sa Pilipinas dahil sa covid 19 pandemic.