Ang labis na pag-inom ng alak ay nakapagdudulot ng liver cirrhosis kung saan nasisira ang atay dahil sa tuloy-tuloy na pamamaga at pagkakaroon ng mga peklat kung saan ito ay maaaring pagmulan ng liver cancer. Bagama’t ang alak ay nakapagpapataas ng lebel ng estrogen sa katawan.
Ayon kay Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor at Natural Medicine Advocate ang atay o liver ng tao ang reponsable sa detoxification ng kinakain ng tao kaya’t kapag nasobrahan ay dumideretso sa atay ng tao ang alcoholic drinks na iniinom ng isang tao.
Aniya na bagaman pangunahing trabaho ng liver ang proseso ng toxicity, ang mga alcohol na iniinom ay hindi dumidiretso sa body system ng tao.
Kaya’t kapag ito ay apektado ay hindi nagiging maganda ang function ng ating atay dahilan upang hindi ito makapagfunction ng normal.
Ito gayundin kapag kumakain ng masyadong matatabang pagkain ang isang tao ay nagdudulot upang magkaroon ng fatty liver halos kaparehas naman ng pagkakaroon ng alcohol liver disease.
Nangangahulugan naman ito na kulang ang proper function ng ating liver bagamat ay key player ito sa ating digestive system dahil dumadaan dito ang lahat ng ating iniinom, kinakain, at maging gamot na nilulunok.
Dagdag pa ni Dr. Glenn na kapag ito ay apektado nakokompromiso ang regular na aktibidad ng isang tao gaya na lamang ng pagkaramdam ng palagiang pagkahilo, pagsusuka, pagkauhaw o di naman ay kawalan ng ganang kumain.