Nasa critical zone ngayon ang labing-siyam na kabahayan mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Bugallon dito sa lalawigan ng Pangasinan matapos na isailalim sa granular lockdown bilang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa tumataas na kumpirmadong kaso ng covid19 sa ilalim ng ibinabang EO no. 012 series of 2021 ang alkalde ng bayan na si Mayor Priscilla Espino noong January 20.

Ayon kay P/Major Noel Cabacungan, hepe ng Bugallon PS na kapag nasa critical zone pinagbabawalan ang mga residente na lumabas at bumiyahe.

Hindi rin aniya magiisyu ang hepe ng travel authority sa mga ito maliban na lamang kapag emergency.

--Ads--

Kabilang sa mga nasa critical zone ang 3 kabahayan sa laguit padilla, 2 kabahayan sa portic, 3 residential sa salingcaoet poblacion, 3 sa Romulo highway poblacion, 3 kabahayan sa barangay samat, tig-isang kabahayan sa lee sim barangay umanday, barangay salomague sur, barangay cayanga, barangay asinan at navato st. Barangay Poblacion.

Pakiusap naman ng hepe sa mga residenteng APOR na nasa critical zone na makipagcoordinate para hindi maging carrier ng covid19.

Kung maaari aniya ay panandaliang mangupahan muna malapit sa kanilang pinagtratrabahuan para hindi araw araw na umuuwi sa mga lugar na nakagranular lockdown dahil hindi naman aniya magtatagal ang ipinapatupad na restriksyon.

Samantala,hinihikayat din ang pagkakaroon ng mga talipapa sa bawat barangay upang hindi na kailangang magpunta ng mga residente sa poblacion.

Sa assessment na ginawa ng local IATF, isa ang pag-inom ng alak ang nakikitang sanhi ng paglobo ng kaso ng covid 19 kung kayat mahigpit ding ipinapatupad ngayon ang total liquor ban sa bayan ng Bugallon kung saan bawal ang uminom, bumili at magtinda ng nakakakalasing na inumin.