Dumating na sa Pilipinas ang labi ni Mary Ann Velasquez De Vera, ang Pinay caregiver na nasawi sa hidwaan ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran.
Bandang alas-kuwatro ng madaling araw ngayong araw nang dumating ang kanyang labi sa bansa, at agad itong ibiniyahe patungong Calasiao, Pangasinan kung saan isinagawa ang defrosting ng kanyang mga labi. Inaasahan namang maiuuwi si Mary Ann sa Basista bukas.
Nauna namang umuwi sa Basista, Pangasinan ang kanyang asawa na si Bernie Lavarias, na nagtatrabaho rin sa Israel, kasama ang mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Mahigpit din ang seguridad sa paligid ng bahay ni Mary Ann sa Pangasinan.
Samantala, hindi nagbigay ng anumang pahayag ang mga kapamilya, gayundin ang mga opisyal ng DMW, OWWA, at ang mayor ng Basista, Pangasinan upang mapanatiling pribado ang pagluluksa ng pamilya ni De Vera.










