Dagupan City – Nakahimlay na ang labi ng mga mag-aaral at guro sa isinagawang field trip sa Thailand sa kanilang paaralan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rinse Galupo, Bombo International News Correspondent sa Thailand, matapos na makilala ang identidad ng mga ito, ay tuluyan nang hinimlay ang kanilang mga labi sa kanilang paaralan sa Uthai Thani Province.

Isa nakitang problema ng mga ito ay ang 11 gas tank ang nasa ilalim ng bus malayo sa tamang bilang na 3 lamang. Kung saan napag-alaman din na 5 tanke rito ay walang permit.

--Ads--

Bumaluktot naman ang lumabas sa imbistigasyon ng puisya sa naunang salaysay ng driver. Kung saan sinabi ng driver na nauna ang putok sa bahagi ng kanilang gulong, taliwas sa lumabas sa imbistigasyon, dahil wala namang sumabog na gulong.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin inaalam ang karagdagang impormasyon sa pangyayari.