Dagupan City – Mga kabombo! Nai-cremate na nitong Sabado ng gabi ang labi ng Kapampangan beauty queen na natagpuang patay sa isang liblib na quarry site sa Capas, Tarlac noong araw din na iyon.

Ayon sa ulat, matatandaan na kinumpirma ng abugado ng pamilya ni Geneva Lopez, na nawawala ang beauty queen at ang fiance nito mula pa noong Hunyo 21.

Ngunit nito lamang araw ng sabado, ay nakumpirmang wala na nga itong buhay at natagpuan na lamang sa Tarlac ang kaniyang bangkay. Nagsidatingan naman na ang mga kaanak ni Lopez sa lugar kung saan siya lumaki para makiramay kaninang umaga.

--Ads--

Kaugnay nito sinabi naman ng kapatid ni Lopez na upang ma-maintain ang privacy at seguridad ng kanilang pamilya ay magiging dalawang hiwalay na burol ang gaganapin isa sa lugar kung saan lumaki ang namayapang beauty queen at dito maaring pumunta ang kanyang mga kamag-anak at isa naman sa kalapit na memorial chapel.

Samantala, nag-positibo naman ang katawan ng mga ito na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.