DAGUPAN CITY- Nawawala na ang ilang bahagi ng katawan at nakabalot lamang sa lampin nang matapguan ang labi ng isang sanggol sa isang bukirin sa Brgy. Labit Proper, sa syudad ng Urdaneta.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt.Col. Reynante Pitpitan, Officer-in-Charge sa Urdaneta City PNP, isang concerned citizen ang nagbigay alam sa kanila hinggil sa insidente.

Aniya, patuloy pa rin nila inaalam ang pagkakakilanlan ng sanggol at kung sino ang gumawa nito sa kaniya.

--Ads--

Tulong-tulong naman ang pwersa ng Barangay Officials at ng kanilang hanay sa isinasagawang imbestigasyon.

Nagsasagawa na rin sila ng back-tracking sa mga cctv footages upang matunton ang mga salarin.

Nakikipag-usap din sila sa mga residente sa lugar upang makakalap pa ng impormasyon na may kaugnayan sa sanggol.

Samantala, ito naman ang pinakaunang insidente ng pag-abandona sa labi ng isang sanggol sa kanilang syudad at hiling naman ni Plt.Col. Pitpitan na ito na ang huling pagkakataon na mangyari ito.