Dagupan City – Inihatid na sa huling hantungan ang labi ng isa sa nasawing OFW sa Kuwait na tubong Mangaldan sa kaniyang huling hantungan.

Si Engr. Edwin P. Petilla, 43-anyos ay isa sa mahigit 50 kataong nasawi sa nangyaring sunog sa isang residential building sa Kerala, Kuwait.

Ibinurol ito sa kaniyang tahanan sa barangay Talogtog sa bayan ng Mangaldan sa loob ng 10 araw hanggang nito lamang umaga (June 29, 2024) ay tuluyan na nga itong inihatid sa kaniyang huling hantungan.

--Ads--

Sa pagdaraos ng kaniyang libing nakaantabay naman ang tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Local Government Unit ng Mangaldan, at ilang mga barangay official’s ng Talogtog.