DAGUPAN, CITY—Dikdikang pa rin ang laban sa pagkapangulo sa pagitan ni US President Donald Trump at ni dating bise presidente na si Joe Biden ngayon taon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Mark Anthony Baliton, Political Analyst sa lalawigan ng Pangasinan, kanyang inilarawan na tutukan ng buong mundo ang mga kaganapan sa naturang eleksyon sapagkat hanngang sa nagyon ay wala pa ring ipinoproklamang kandidato dahil sa dikit naitatalang boto.
Ilan sa mga nakikitang dahil ni Baliton kung bakit hanggang sa ngayon ay wala pang naidedeklarang panalo, ay una dahil sa malapit na laban sa talaan ng mga boto, at pangalawa ay may kauganay sa allegasyon ng pandaraya.
Aniya, tiyak na inaabanagan talaga ang naturang halalan dahil sa nabanggit na mga kadahilanan.