Dagupan City – Tila ba kumbinsido na ang netizens na may espesyal ngang namamagitan sa actress na si Kyline Alcantara at basketball player na si Kobe Paras.

Matapos kasi ang hinihinalang dinner date nila nkamakailan, ay muling naging interesado ang netizens nang mag-comment at i-repost ni Kobe sa kanyang social media Stories ang bagong upload na picture ni Kyline.

Ang mga nasa larawan ay angsuot na gray romper short ng actress habang nakaupo sa isa ring gray couch.

--Ads--

Dahil dito, marami sa mga tagahanga ni Kyline ang nakukumbinsi sa balitang may namamagitan nga sa dalawa.

Kamakailan lang din nang mapaulat na namamagitan sa dalawa,ito’y matapos ding mapansin ng netizens ang pagkakahawig ng larawang ipinost nila sa kani-kanilang social media account.

Lumalabas naman na marami ang natutuwang tagahanga ng dalawa, gayong sina Kyline at Kobe naman daw ay parehas single ngayon.