Mga kabombo! Nakakakilig man ang pag-ibig pero minsan ay nababalot din ito ng misteryo. Katulad na lamang ng isang thrift store sa Hannibal, Missouri na determinadong malaman ang misteryo sa likod ng mga natanggap na World War II love letters sa kanilang donation bin.

Natagpuan na lamang ito ni Tima Eifert, manager ng nasabing thrift store, ang mga sulat ni Chester McMeen para sa kaniyang asawa na si Alma Bernice Modglin nang inaayos niya ang kanilang mga donasyon. Ang mga sulat na ito ay ginawa habang naka-estasyon si McMeen sa Pilipinas noong World War II.

Gayunpaman, walang ideya si Eifert na ma-trace ito lalo na’t nakapetsa pa ito sa pagitan ng Setyembre 11, 1944 at Nobyembre 27, 1945.

--Ads--

Ngunit, hindi ito ang rason para sa kaniyang pagsuko at nakipagtulungan siya kay Megan Duncan, isang local investigative journalist, upang malaman ang kwento sa likod ng misteryo.

Napag-alaman naman ni Duncan ang happy ending nina McMeen at Modglin kung saan muli silang nagkasama at bumuo ng isang masayang pamilya at may tatlong anak. Nagpatakbo rin sila ng isang woodworking business sa Carbondale, III.

Napagtagumpayan ni Duncan malaman ito dahil sa determinasyon niyang hanapin ang mga kaanak ng magkasintahan, at kalaunan ay nalaman din ang address na maaaring sa kanilang anak. Bagaman nalaman na nila ang kwento, umaasa pa rin si Duncan na sasagutin nito ang ipinadala niyang sulat.