Isang kuting mula sa Alabama ang ngayon ay viral online dahil sa kakaibang katangian nito — mayroon itong dagdag na pares ng tainga.
Ang pitong buwang gulang na itim na kuting na pinangalanang Dobby ay isinilang na may karagdagang ear flaps na mistulang pangalawang, mas maliit na pares ng tainga.
Ayon kay Stephanie Brown, na kasalukuyang nag-aalaga kay Dobby para sa Kitty Kat Haven and Rescue, hindi naman naaapektuhan ng nasabing kondisyon ang pandinig ng kuting at normal ang kalagayan nito. Bukod dito, kapansin-pansin din ang maiksi at kulot nitong buntot.
--Ads--
Lalong sumikat si Dobby sa social media matapos ibahagi ni Brown ang mga larawan at video nito sa social media, kung saan mabilis itong nag-viral at umani ng atensyon ng netizens.










