DAGUPAN CITY– Patay matapos pagsasaksakin ang isang kusinero sa Bayambang, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Michael Denis Quitali , 34 anyos at residente ng Barangay Bacnono sa nabanggit na bayan.

Sa isinigawang imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na kauuwi lamang ng biktima sa kanyang bahay ng makita nito ang suspek sa kanilang pinto.

--Ads--

Akma namang kakausapin ng biktima ang suspek ngunit bigla na lamang itong pinagsasaksak sa dibdib.

Lumalabas naman na ‘crime of passion’ ang pagpaslang sa biktima lalo na’t nakita umano ng suspek ang kanyang asawa na may kasamang ibang lalaki at si Quitali ang pinaghinalaan diumano nito.

Nagawa pang isugod sa ospital ang biktima ngunit ideneklara ding dead on arrival.

Samantala, patuloy ang pagtugis ng pulisya sa tumakas na suspek.