Dumarami ang mga umaatakeng peste sa ganitong klima lalo na ang tinatawag na ‘kurikong’ sa mga panananim na mangga.

Ayon kay Jose Tolentino Jr Senior Science Research Specialist, DA Region I bukod ito ay may iba’t iba pang uri ng mga peste gaya ng talakitik, wood cutter at iba pang mga peste sa mangga.

Base sa kanilang mga field activities at monitoring ay nagkakaroon ng kurikong damage ay nakikita o namamanifest lamang sa mga manggahan partikular na sa prutas o ang bunga ng mangga.

--Ads--

Kapag nasa pamumunga na estado na ang puno 32 araw matapos ang pamumulaklak nito ay may pag-atake nang ginagawa ang mga peste sa puno.

Kahit gaano pa kaliit ang bunga ay talagang tinatamaan na at nagkakaroon ng initial attack hanggang sa lumalaki ang bunga ay umaatake parin.

Ang ganitong mga pag-atake ay nakakaapekto sa pamumunga ng manggang dahilan upang madaling mahulog ang mga bunga.

Kaya’t aniya na pinakamabisang paraan upang ito ay maiwasan ay sa pamamagitan ng sanitation kung saan ang hindi magandang branches o unproductive na parte ng puno ay kailangan ng tanggalin para magkaroon ng magandang circulation ng hangin sa loob ng puno ng mangga.

Mainam rin na huwag dumepende lamang sa mga pesticide dahil karamihan sa mga ito ay pare-parehas lamang ng mga mode of action at sa halip na pumuksa ng organismo o peste ay nagkakaroon ng resistance ang mga ito.

Samantala, pagbabahagi na lamang nito sa kabila ng mga ganitong problema sa manggahan aniya ay pangalagaan at pagtrabahuing maigi ang pagpapa-angat muli sa mango industry sa rehiyon uno.