Sumampa na sa 1,506 ang kumpirmadong kaso ng covid 19 dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa nasabing bilang 1,168 ay mula sa ibat ibang bayan habang 337 ang mula sa lungsod ng Dagupan.
Sa datos mula sa Provincial Health Office (PHO), umaabot na sa 1,099 ang mga gumaling na, 352 ang nananatili sa pagamutan at 55 ang nasawi.
--Ads--
Kahapon ay may naitalang 10 na kumpirmadong kaso, 19 na bagong recovered case at isa ang nasawi.
Ang nasawi ay isang 63 anyos na lalaki mula sa lungsod ng Dagupan.




