Sumampa na sa 1,367 ang kumpirmadong kaso ng covid 19 dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa nasabing bilang 905 ang bilang ng mga gumaling na, 411 ang nananatili sa pagamutan at 51 ang nasawi.

Sa datos mula sa Provincial Health Office (PHO), kahapon ay may naitalang 11 na kumpirmadong kaso at 18 na bagong recovered case .

--Ads--

Dito naman sa lungsod ng Dagupan, nakapagtala ng pitung positibong kaso ng covid 19 kabilang dito ang 36 anyos na Badjao.

Karamihan sa mga bagong pasyente ay close contact ng mga naunang kaso.