6 na mga kababaihan ang na-rescue habang 3 katao naman ang arestado matapos ang isinagawang entrapment operation ng mga otoridad sa syudad ng San Carlos.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mark Caseres tagapagsalita ng National Bureau of Investigation o NBI Dagupan , sinabi nito na sinalakay ng kanilang mga operatiba ang isang KTV Bar sa nabanggit na syudad matapos makatanggap ng impormasyon na ito’y nag ooffer ng mga malalaswang aktibidad sa kanilang mga kostumers.
Sa halaga umang tatlong libong piso, inaalok umano ang mga kostumers ng sexual services.
Ayon pa sa opisyal, ilang linggo din nilang minamanmanan ang mga may ari ng bar pati na ang ilegal na operasyon na nagaganap sa loob nito.
Nang makompirma, agad na umano sila nagkasa ng entrapment operation na ikinahuli ng tatlong indibidwal. Narescue naman ng NBI ang anim na mga kababaihan kung saan, nasa labing walong taong gulang ang pinakabata. Napag alaman din na ang mga ito ay pawang mga taga Mindanao.
Samantala, nasampahan na ng kasong Human Trafficking ang mga naarestong suspek. with report from Bombo Cheryll Ann Cabrera