Dagupan City – Pinapasagot ng korte suprema ang Malacañang, National Economic and Development Authority (NEDA), Tariff Cmmission, at Office of the Solicitor General (OSG) hinggil sa pag-issue ng Executive Order No. 62.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya Ng Agrikultura (Sinag) malinaw naman sa kanila na may kapangyarihan ang presidente na magpatupad ng kautusan, ngunit ang pag-issue ng isang kautusan nang hindi kumukonsulta sa sektor ay malinaw rin na paglabag sa batas.

Aniya, wala kasing nangyaring tamang konsultasyon sa kanilang sektor at mga grupo.

--Ads--

Sinabi ni So na kaya ipinatupad ang 35% Tariff Collection dahil para sa kapakanan ng mga magsasaka dahil alam ng pamahalaan na hindi nila kayang makipagkompetensya.

At naging katanungan nito ay kung bakit taliwas na ang nangyayari ngayon. Kung saan ay nasa kalahati na lamang ito o 15% na lamang.

Kaugnay nito, pinabulaanan naman ni So ang pinabulaanan naman nito ang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel De Mesa na kapag 35% ang tariff ay mawawala na ang importasyon bagkus ay magpapatuloy pa rin ito.

Samantala, mula enero hanggang hunyo naman ngayon taon na sa 2.3 Milyon Metric Tons na ang naipasok sa bansa, kalahati ng target ng departamento na nasa 4.6 Milyon Metric Tons ngunit kung tutuusin ayon kay So, dapat ay nasa 3.7 hanggang 3.8 Milyon Mteric Tons lamang dapat ang kailangan ng bansa dahil nasa 85days pa ang stock nito.